World's Last Chance

Inihahanda ang mga Puso at Isipan sa Biglaang Pagbabalik ni Yahushua!

Inihahanda ang mga Puso at Isipan sa Biglaang Pagbabalik ni Yahushua!

Palamuti at ang Kristyano

Si
Yahuwah ay isang mangingibig ng kagandahan. Pinuno Niya ang sanlibutan nito!
Mula sa pagkislap ng bagong bumabagsak na nyebe hanggang sa kinang ng balahibo
ng benggala; mula sa pino at iba’t-ibang pangkulay ng pinakamaliit na bulaklak
hanggang sa kinang ng mga mahahalagang bato, ang kagandahan na nagmula sa
kaisipan ng Manlilikha ay kahanga-hangang inilarawan. Maging ang Bagong
Jerusalem, na magiging sentrong siyudad ng lupa, ay isang bagay ng hindi
mailarawang ganda. Ang mga kalsada nito ay nilalatagan ng ginto; ang mga pader
nito ay jasper, ang mga tarangkahan nito ay mga perlas. Ang mismong pundasyon
ay mga mahahalagang hiyas, pinagtibay: diyamante, safiro, esmeralda, amatista
at marami pa.

kolahe ng Paglikha

Pangkaraniwan
na para sa kaisipan ng tao, nilikha mula sa larawan ng Manlilikha, na
tangkilikin at hangarin ang kagandahan. Isa sa pinaka-karaniwang lugar kung
saan ang tampulan ng mga tao sa kanilang hangarin sa kagandahan ay nasa
personal na palamuti. Ito man ay sa pinakabagong uso, makulay na make up sa
balat o kumikinang na alahas, ang hangarin na palamutian ang sarili ay
karaniwan na sa mga tao ng bawat panahon, sa bawat bansa. Ang pagsusuot ng mga
mahahalagang metal at hiyas, mismo, ay hindi likas na makasalanan. Si Yahuwah
mismo ang gumawa ng mga ito at ginayakan si Lucifer, noong una ay ang pinakamataas
na kerubin, na may mahahalagang alahas. Gamit ang simbulo ng hari ng Tiro,
sinabi ni Yahuwah ang tungkol kay Lucifer:

Ikaw
ay larawan ng kasakdalan. Puspos ng kaalaman. Ang ganda mo’y walang kapintasan.
Tulad mo’y nasa paraiso ng Elohim, sa hardin ng Eden. Nababalot ka ng
iba’t-ibang uri ng batong mamahalin: sardinyo, topaz at diyamanteng
nagniningning; berilo, onise at jasper na walang kahambing; safiro, esmeralda
at karbungko. Ginto ang iyong enggasto. At ang pagkaukit dito ay inihanda noong
una pa, nang isilang ka sa mundo. Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at
itinatag kita. Nasa ituktok ka ng aking banal na bundok. Ang nilalakaran mo’y
mga batong kumikinang. (Tingnan ang Ezekiel 28:12-14)

Lucifer (Satanas)Si
Lucifer ay ang pinakamataas na nilikhang nilalang. Siya ang anghel na nakatayo
sa pinakamalapit sa trono ng Walang Hanggan. Bawat mamahaling bato, inilatag sa
ginto, ay nakabalot sa kanya. Ang walang tigil na liwanag, umaagos mula sa
Makapangyarihan, ay sumasalamin sa mga bato, nagpapakita nang kahanga-hanga.
Itong pangtakip ay nilikha ni Yahuwah para sa Kanyang pinakamataas na anghel.
Ngunit ang susunod na berso ay isang makabiyak-pusong komentaryo sa epekto ng
palamuti na nasa bumagsak na mga puso ng mga tao: “Wala kang kapintasan mula pa
nang isilang hanggang sa maisipan mong mamuhay sa kasamaan.” (Ezekiel 28:15,
MBB)

Kasamaan,
kasalanan, pagmamataas: Bumagsak si Lucifer sa pagmamataas. Ang mapagbigay na
mga kaloob ng kanyang Manlilikha ay hindi pinuno ang puso ni Lucifer nang
pasasalamat na magdudulot ng pag-ibig, ngunit pinili niya na palakihin ang
pagkamakasarili at pagmamataas. Ito ang epekto na, madalas, sa personal
na palamuti
na nasa bumagsak na kalikasan ng tao. Ang tao, nilikha sa
larawan ni Yahuwah, ngunit sa pagbagsak ay kinuha ang kalikasan ng dakilang
kaaway, si Satanas. Ito man ay pasya at tampulan ng personal na palamuti sa
pinakabagong uso, kumikinang na alahas, o make up, kapag ang mga ito’y ginamit
upang umakit ng atensyon sa mismong sarili kaya ang iba ay hahangaan ka, ito ay
mali at ito’y batay sa pagmamataas.

Sa
bawat lugar ng kautusan ni Yahuwah, napakahalaga na maunawaan ang mga
alituntunin na inilatag ng kautusan sapagkat ang mga ito’y inaabot ang puso.
Ang panlabas na pagbabago ay hindi hinahanap ni Yahuwah. Sa halip, tumitingin
si Yahuwah sa kalooban ng puso: ang mga kaugalian at mga paniniwala na
namamahala sa kaluluwa. Ang mga salita ni Yahuwah kay Samuel noong pinahiran
ang isang hari ay dapat unawain ng lahat ng maghahangad na dalhin ang kanilang
mga buhay tungo sa pagsunod sa Kanya: “Huwag mong tingnan ang kanyang taas at
kakasigan sapagkat hindi siya ang pinili ko. Si Yahuwah ay hindi tumitingin nang
katulad ng pagtingin ng tao. Panlabas na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit sa
puso tumitingin si Yahuwah.” (Tingnan ang 1 Samuel 16:7.)

Marami
na hindi pinangarap ang pagsusuot ng mga alahas ay naghahangad na umakit ng
atensyon sa kanilang pananamit o make up. Gaya ng mga mamahaling bato, ang mga
make up mismo ay hindi likas na makasalanan. Kapag ginamit sa pagbabalatkayo ng
mga marka, o peklat, balutin ang galos o gawin ang tao na mas natural, walang
mali rito. Ngunit gaya ng mga mamahaling bato, ang problema ay lumilitaw kapag
ang sinumang gumagamit ng make up o pangkinang, sobrang makabago at magastos na
mga damit upang makaakit ng atensyon sa sarili, upang makapukaw ng atensyon ng
paghanga at inggit sa iba.

Anumang
pagpapahusay o pansariling palamuti na ginamit upang pumukaw ng inggit o
paghanga sa iba para sa katawan o kayamanan ng sinuman, ay mali. Ito ay ang
pagsusuot sa panlabas kaya ang pagmamataas ay naghahari sa puso sa panloob. Ang
sinasabi ni Pablo na isinulat niya ay laban sa pagkakasala ng mapagmataas na
pagpapakita:

Ang
mga babae naman ay dapat maging mahinhin, maayos at maingat sa pananamit at
ayos ng buhok. Hindi sila dapat maging magarbo sa pananamit at maluho sa mga
mamahaling alahas na ginto o perlas. Sa halip, ang maging kasuotan nila ay
mabubuting gawa, gaya ng nararapat sa mga babaing itinuturing na maka-Elohim.
(1 Timoteo 2:9-10, MBB)

Ilan
ay nagpalagay, batay sa tekstong ito, na wala dapat magtirintas. Gayunman,
sinasabi ni Pablo ang kalabisan ng mga kababaihang Romano at ibang mayayamang
kababaihan na tinangkang gayahin sila.

Ang
mga kababaihang Romano ay ginagayakan ang kanilang mga buhok nang may kapayakan
. . . Ang simpleng istilo sa buhok para sa mga babaeng may asawa ay nagbago sa
panahon ni Emperador Augustus noong ang iba’t-iba at detalyadong istilo sa
buhok ay dumating sa uso. Ang pananamit ng mga kababaihang Romano ay nanatiling
simple at hindi nagbabago at ang mga kababaihan [hindi tulad ng mga
kalalakihan] na walang espesyal na pananamit na nag-iba ng kanilang estado, ang
mayayamang kababaihan ay nagsuot ng mamahaling mga materyal, mas detalyadong
istilo ng buhok, make-up at magastos na mga alahas. (http://www.roman-colosseum.info/roman-clothing/roman-hairstyles.htm)

Ang
mga kababaihang Romano ay gumamit ng mga pangkulay sa buhok, peluka, mga
pangkulot at mga tirintas upang lumikha nang detalyado, madalas kumplikadong
istilo na tumatagal ng maraming oras para gawin. Romanong tirintasAng manipis na gintong
alambre, madalas may perlas o mamahaling bato, ay pinagsama upang makabuo ng
buhol-buhol na hairnet. Sapagkat hindi maitatanggi na maganda, ang buong
kasanayan ay para sa layunin ng pansariling pagmamataas at pumukaw ng paghanga
(at syempre, inggit) sa iba. Ito ang sinasabi ni Pablo na salungat, hindi ang
isang simpleng tirintas.

Ang
mga alituntuning ito ay taglay ang patotoo sa bawat larangan ng pananamit at
palamuti sa parehong lalaki at babae. Ang mga bagong uso ay madalas
binibigyang-diin ang hindi pangkaraniwang ayos. Bughaw, marosas o ibang hindi
pangkaraniwang pangkulay sa buhok para sa iilan, malaswang paglalantad ng
katawan sa iba, ay parehong nananawagan ng atensyon. Tumingin sa aking katawan. Tumingin sa akin!

Ang
mga pagbubutas sa katawan, mga tatu at skaripikasyon na lumaganap sa mga
kabataan ngayon ay hayagang ipinagbawal sa Kasulatan. “Huwag kayong maghihiwa
sa katawan dahil sa isang namatay ni maglalagay ng tatu. Ako si Yahuwah”
(Tingnan ang Levitico 19:28.) Ang mga kasanayang ito ay nagmula sa mga pagano
bilang pagpaparangal sa namatay at wala sa mga nagnanais na parangalan ang
dalisay, banal na Elohim sa pamumuhay sa matuwid na buhay ang makikilahok sa
mga ganung pagsasanay.

lalaki na may mga marka ng tatu at pagbubutas sa katawanTotoo
na ang Kasulatan ay nagtala ng pagsusuot ng mga alahas ng mga Israelita. Ang
lingkod ni Abraham, ipinadala upang kumuha ng mapapangasawa para kay Isaac,
binigyan si Rebeca ng “mamahaling singsing at dalawang pulseras na pawang
lantay na ginto.” (Genesis 24:22, MBB) Si Haring Assuero ay ibinigay kay
Mardocheo ang kanyang singsing. “At si Mardocheo ay lumabas mula sa harapan ng
hari na nakapanamit hari na bughaw, at puti, at may dakilang putong na ginto,
at may balabal na mainam na lino at kulay ube.” (Tingnan ang Esther 8:10 at
15.)

Gayunman,
ang mga alahas at detalyadong kasuotan ay hindi sinusuot sa panahon ng
taos-pusong paghahanap at kapatawaran. Sa mga panahong iyon, lahat ng mga
palamuti ay isasantabi at ang mga tao ay nananamit nang napakasimple lang. Maging
ang mga pabango ay hindi rin inilalagay. Noong nag-ayuno at nanalangin si
Daniel, naghahangad na maunawaan ang pangitain, naitala niya: “Nang mga araw na
yao’y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanlinggo. Hindi ako kumain
ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni
naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanlinggo.” (Daniel
10:2 at 3, ADB)

Noong
tinawag ni Yahuwah si Jacob na maglakbay sa Bethel upang sambahin Siya rito,
tinawag naman ni Jacob ang kanyang pamilya na magsisi, inihambing ang pagsusuot
ng mga hikaw sa pagsamba ng mga huwad na diyos:

Kaya’t
sinabi ni Jacob sa kanyang sambahayan at sa lahat ng kasama niya, “Itapon
ninyong lahat ang mga diyus-diyosan taglay ninyo, maglinis kayo ng inyong
katawan, at magbihis kayo. Aalis tayo rito at pupunta sa Bethel. Magtatayo ako
roon ng altar para sa [El] na kasama ko saanman at laging tumutulong sa akin sa
panahon ng kagipitan.”

Ibinigay
nila kay Jacob ang kanilang mga diyus-diyosan at ang suot nilang mga hikaw. Ang
lahat ng ito’y ibinaon ni Jacob sa tabi ng malaking punong malapit sa Shekem.
(Genesis 35:2-4, MBB)

Bawat
taon sa Araw ng Pagsisisi, lahat ng magarang palamuti at detalyadong kasuotan
ay isasantabi sapagkat ang bayan ni Yahuwah ay hangad ang Kanyang mukha para sa
kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, nalalaman man o hindi.

Sa
Langit, si Yahushua ang maglalagay ng korona sa ulo ng bawat nagtagumpay. Ang
mga ito’y mas maluwalhati kaysa sa anumang koronang inilagay sa mga
pinakamakapangyarihang makalupang monarka. Hanggang sa panahong iyon, ang bayan
ni Yahuwah ay namumuhay sa mundo ng kasalanan. Ang bumagsak na kalikasan ay naghihintay
para sa adorasyon. Iyong mga naghahangad na sumalamin ang kaluwalhatian ni
Yahuwah ay hindi maghahangad na kumuha ng atensyon sa kanilang mga sarili.

Palamuti at ang Kristyano imageAng
namana at nalinang na pagkamakasalanan ng sangkatauhan ay ang dahilan kung
bakit ang bugtong na Anak ni Yahuwah ay namatay. Upang hangarin ng sinumang may
makasalanang katawan ang atensyon ng iba ay isang patibong sa PAGMAMATAAS, ang
pagkakasala kung saan bumagsak si Lucifer. Nagbabala ang salita ni Yahuwah:
“Ang kapalalua’y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay
ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap, kaysa makihati
sa yaman ng mapagmataas.” (Kawikaan 16:18 at 19, MBB)

Sa
ilalim ng pagpukaw ng Banal na Espiritu, inilatag ni Pedro ang tunay na batayan
kung saan ang lahat ay dapat hangarin:

Ang
inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot
ng mga gintong alahas at mamahaling damit. Sa halip, pagyamanin ninyo ang
kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at
mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ni Yahuwah. Iyan ang kagandahang
ipinakita ng mga banal na babaing umasa kay Yahuwah noong unang panahon.
(Tingnan ang 1 Pedro 3:3-5.)

Iyong
mga nabubuhay sa mga papatapos na kaganapan sa kasaysayan ng daigdig ay
hahangarin ang kabanalan ng katangian, isasantabi ang anumang bagay at lahat ng
bagay na magiging sagabal o gagawing mali ang kadalisayan ng langit. Tayo ay
nabubuhay sa mismong huling nalalabing panahon ng mundo, ang antitipikong Araw ng
Pagsisisi. Hayaan ang bawat tunay na anak ni Yahuwah na siyasatin ang kanilang
mga sarili at kanilang istilo ng pamumuhay, lahat ng bagay kung saan ang
kanilang pasya ay pinamamahalaan, para makita kung nararapat gawin ang
pagbabago upang sumalamin ang dalisay na pusong nakatuon kay Yahuwah.

Ang
talinghaga ng Sampung Birhen (Tingnan ang Mateo 25:1-13) ay naaangkop nang may
kakaibang pwersa sa kasalukuyang panahon. Lahat ng sampung kababaihan, mga
naniniwala sa katotohanan, tumungo sa pagtulog. Noong sila’y nagising sa tawag
na paparating na Lalaking ikakasal, lahat sila’y nakita na ang kanilang mga
ilawan ay nawalan ng liwanag. Lima lamang, kalahati ng bilang, ang mayroong
karagdagang langis na kumakatawan sa Banal na Espiritu, at kailangan lamang na “pantayin”
ang kanilang mga ilawan para ihanda. Ang salitang “pantayin” sa orihinal na
wika ay nangangahulugang gumawa ng menor, kosmetikong pagbabago. Tanging hindi
pangkaraniwang pagbabago ang kailangang gawin sa direksyon ng Banal na
Espiritu.

Itakda
ang iyong landas kay Yahuwah,
magtiwala sa Kanya, upang makita sa iyong isipan ang anumang pagbabago, anumang
pagpantay, na dapat ginawa sa iyong ilawan para ito’y magliwanag sa napakadilim
na mundong ito para mabati mo Siya nang may galak sa Kanyang pagdating.

Comments

Leave a Reply

Your avatar is powered by Gravatar

This site is registered on wpml.org as a development site. Switch to a production site key to remove this banner.